Marawi City – Ideneploy na nang Task Force Bangon Marawi sa 24 na barangay sa Marawi City ang kanilang limang Post Conflict Needs Assesment (PCNA) Teams kaninang umaga.
Ayon kay Deputy Administrator, Office of Civil Defense Spokesperson, Task Force Bangon Marawi Asec. Kristoffer James Purisima, ang bawat team ay binubuo ng mga representative ng national at local government agencies.
Ang limang teams na binubuo ng 145 na miyembro mula sa ibat ibang ahensya ng pamahalaan ay tutukoy ng mga naging pinsala ng ilang buwang giyera sa Marawi City.
Pero bago nai-deploy sa Marawi City, isinailalim muna sila sa security briefings at re-orientations kaugnay sa Post Conflict Needs Assessment (PCNA).
Target naman ng grupo na matapos ang data analysis, consolidation, at report development sa October 27, 2017.
Ang hakbang na ito na pamahalaan ay paghahanda para rehabilitation sa Marawi City.