Lawless elements, hinarass ang kampo ng militar sa Sirawai Zamboanga Del Norte

Zamboanga City, Philippines – Higit kumulang limamput mga miyembro ng Lost Command Group na pinamumunuan ni Commander Kanhi ang nagpaulan ng bala sa Campo ng 42nd Infantry Battalion Bravo Company sa Barangay Doña Cecilia Sirawai Zamboanga Del Norte Kahapon.

Sa report ng Police Regional Office 9, nagsusuot ng Philippine Army Uniform ang rebeldeng grupo at pumuwesto ang mga ito sa likurang bahagi ng Campo.

Sa informationa naman galing kay 1LT Basoy ang Company Commander ng 42 nd IB Bravo Company na ang Law less elements nakita sa Barangay Pisa Puti sa Sirawai at di umano nakipag coordinate pa ang mga ito sa MILF.


Bandang ala una ng hapon ng magsasagawa ng Airstrike ang military kung saan nagpoposition ang Law Less Elements .

Alas tres ng hapon ng ireport ni Mayor Gamar Janihim ng Sirawi na ang Law Less Elements nagposition sa Barangay Panabutan Particular sa Pamana Building .

Subalit normal naman umano ang operation sa mga opisina ng Govierno, maliban lang sa ilang mga barangay na nasipag silikas ang mga mga residente katulad ng Barangay Doña Cecilia, Panabutan, Sipakit at San Vicente.
Wala namang napaulat na may nasugatan o namatay sa nasabing pag atake.

DZXL558, *Melanie Guanzon*

Facebook Comments