Lawyer-journalist na si Atty. Mike Navallo, itinalaga bilang Chief Communications Officer ng Supreme Court

Itinalaga ng Korte Suprema ang journalist-lawyer na si Atty. Michael Jobert “Mike” Navallo bilang Chief Communications Officer.

Sa pahayag ng Supreme Court (SC), pamumunuan ni Atty. Navallo ang Communicatiorns Office habang si Atty. Camille Sue Mae Ting naman ang magiging bagong tagapagsalita ng SC.

Si Navallo ay naging mamamahayag at kasalukuyang Reagan-Fascell Democracy Fellow sa International Forum for Democratic Studies sa Washington, DC.


Agad na mauupo bilang spokesperson si Ting habang sa August 1, 2024 pa magiging epektibo ang pagkakatalaga kay Navallo.

Si Ting ang kauna-unahang babae na magsisilbing tagapagsalita ng Korte Suprema.

Facebook Comments