Naniniwala ang Lawyer and Commuters Protection Group na maaring balikan ng mga naperwisyong mamamayan at residente ang supplier nila ng tubig sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaso dito.
Ayon kay Lawyers Commuters Protection Group President Atty. Ariel Inton maaring habulin ng mga apektadong residente ang water concessionair na Manila Water dahil sa nararanasang water interruptions na nararanasan sa Eastern part ng Metro Manila at Rizal Province.
Paliwanag ni Atty. Inton pinag-aaralan narin nila na mismo ang kanilang grupo ang magsasampa ng kaso laban sa Manila Water at aalamin nila kung may pagkukulang sa parte ng Manila Water at ang nararanasang water crisis ay hindi natural causes o yung force majeure o mga hindi inaasahang pangyayari, ay maaring mag sumite ng damage suit ang mga apektadong consumer.
Giit ni Atty. Inton posibleng kasuhan nila ng Civil Case ang Manila Water sa oras na maberipika ang pagkukulang ng nasabing water supplier.
Paglilinaw ni Inton mahalaga na may karampatang ebidensya ng nasabing pagkukulang bago maipasa ang Civil Complaint kung saan ito naman ang gagamitin sa korte sa mga gagawing pagdinig.