Babala sa mga nais maging Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver dahil baka mabiktima ng modus ng isa transport network company.
Ngayong may pandemya at limitado ang pampublikong transportayson, marami rin sa mga pasahero ang napapasakay sa TNVS.
Dahil dito, nabuhay ang pangarap ng ilang driver na maging TNVS driver.
Ayon kay Lawyers for Commuters Safety and Protection Atty. Ariel Inton, dapat mag-ingat sa “owto” na TNC dahil baka kayo ay mabiktima ng kanilang modus.
Napakabilis lang ng proseso at sa halagang P20,000 mayroon ka nang drive-to-own na sasakayan pero mayroon pa lang hidden agenda.
Sa huling datos, 200 driver na ang nabiktima na lumapit kay Atty. Inton at patuloy pang nadaragdagan ang nasabing bilang.
Nababahala ngayon si Atty. Ariel Inton lalo pa’t walang TNVS provisional authority ang owto upang makapamasada.