LAYA NA SA ISIS | 88-B dolyar, kinakilangan ng Iraq para sa kanilang muling pagbangon matapos makalaya sa teroristang ISIS

Iraq – Nangangailangan ang Iraq ng 88 billion dollars o 4.6 trillion pesos para maipatayo muli ang ilang bahagi ng kanilang bansa matapos ang giyera kontra ISIS.

Ang malaking bahagi ng pera ay mapupunta sa mga lugar na sinakop at pinabagsak ng mga terorista lalo na ang Mosul.

Nanawagan na si US Secretary of State Rex Tillerson sa lahat ng mga miyembro ng kowalisyon kontra ISIS na magtulong-tulong sa muling pagbangon ng Iraq.


Facebook Comments