
Napakahalaga na ang bawat mamamayan sa isang lipunan ay mayroong trabaho o hanapbuhay na siyang pagkukuhanan nila ng kanilang ikabubuhay kaya naman ang pagsasagawa ng job fair ay malaki ang maitutulong sa bawat taong wala pang nahahanap na trabaho.
Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang Pangasinan Public Employment Services Office, isang Job Fair Caravan ang isinagawa sa bayan ng Binalonan upang makatulong sa mga mamamayan na wala pang nahahanap na trabaho o hanapbuhay.
Nasa labing tatlong local companies at tatlong overseas recruitment agencies ang nag-participate para bigyang agapay ang mga aplikanteng dumalo sa isinagawang Job Fair Caravan sa Binalonan.
Ayon kay Binalonan Municipal Administrator Manuel Luis, Jr., sa pakikipagtulungan din ng mga business sectors private companies, LGUs at ang mga institutions para sa jobs fair ay mas maisasakatuparan ng pamahalaang panlalawigan ang kanilang adhikain.
Nasa job fair din ang ahensya ng SSS, PhilHealth at ang Philippine Statistics Authority (PSA) upang makapagbigay rin ng kanilang serbisyo. |ifmnews
Facebook Comments









