Layout ng mga balota, ire-review muli ng Comelec

Manila, Philippines – Ire-review ng Commission on Elections (Comelec) ang kasalukuyang ballot format.

Ito ay kasunod ng paglalagay ng party-list choices sa likod ng balota nitong 2019 midterm elections.

Sinabi ni Ako-Bicol Party-List Representative Alfredo Garbin na mula sa 63 milyong botante, nasa 27 milyon lamang ang bumoto para sa party-list race.


Isinisisi ni Garbin ang desisyon ng Comelec na ilagay ang party-list sa likod ng balota dahil nakakalimutan ng mga botante na i-cast ang kanilang boto para sa sectoral representatives.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez – ngayong eleksyon lamang nailagay sa likod ng balota ang party-lists.

Nangako ang poll body na papahalagahan ang feedback ng mga mambabatas hinggil dito.

Facebook Comments