Layunin ng Cha-Cha, sugpuin ang NPA at hindi para sa term extension

Binigyang diin ni Senate President Tito Sotto III na walang kinalaman sa pagpapalawig ng termino ang panukalang pag-amyenda sa Konstitusyon.

Ayon kay SP Sotto, pangunahing nais ni Pangulong Rodrigo Duterte ay maayemdahan ang probisyon ukol sa party-list system para masugpo ang problema sa Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA).

Sabi ni SP Sotto, ito ang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pakikipagpulong sa mga mambabatas noong Nobyembre.


Dagdag pa ni SP Sotto, mainit si Pangulong Duterte sa CPP-NPA, lalo na sa isyu na ilang miyembro ng House of Representatives, lalo na ang Makabayan Bloc, ay sympathizers o may kaugnayan sa komunistang grupo.

Nilinaw rin ni SP Sotto, na mungkahi lang ang ibinigay ni Pangulong Duterte at hindi utos.

Sa tingin naman ni SP Sotto, maaring maisakatuparan ang suhestyon ng Pangulo sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Party-List Law at hindi na kailangan pang baguhin ang Konstitusyon.

Facebook Comments