Tiwala si Committee on Appropriations Vice Chairperson at Marikina Rep. Stella Quimbo na hindi maaapektuhan ang layunin ng panukalang paglikha ng Maharlika Wealth Fund o MWF.
Sinabi ito ni Quimbo kahit inalis na ang Government Service Insurance Systema (GSIS) at Social Security System (SSS) sa mga mag-aambag ng puhunan para sa MWF.
Ayon kay Quimbo, ang mahalaga ay makalikom at mapagsama ang mga surplus funds upang mas malaki ang maging balik nito kapag inilagak sa MWF na siyang magagamit sa kinakailangang national projects.
Sabi pa ni Quimbo, sa oras na mapatunayan na epektibo at kumikita ang MWF ay maaari pa ring pumasok sa hinarahap ang SSS at GSIS at boluntaryong mamuhunan.
Base sa panukala, ₱250 billion ang target na ipuhunan sa pagsisimula ng MWF mula sa LandBank at Development of the Philippines gayundin sa profits o dividends ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na siyang ipinalit sa investible funds ng GSIS at SSSS.