LAYUNING MAPATAAS ANG BIRTH REGISTRATION RATE SA ILOCOS REGION, MAS PAIIGTINGIN NG PSA

Mas paiigtingin pa ngayon ng Philippine Statistics Authority Region 1 ang layunin nitong mas mapataas pa ang birth registration rate sa rehiyon.
Nais pataasin ng ahensya ang bilang ng mga nagpaparehistro ng kanilang kapanganakan dahil nais nitong tulungan ang National Office ng PSA na makamit ang 100% Birth Registration Rate sa bansa sa susunod na taong 2024.
Sinabi ni Camille Carla Beltran, ang Chief Administrative Officer ng PSA Regional Office 1, ang naturang birth registration ay nakapaloob sa programang Philsys Birth Registration Assistance Project (PBRAP) kung saan ito ay may layunin ding mairehistro ang mga kabilang sa mga mahihirap na Pilipino sa bansa.

Ilan lamang sa mga libreng serbisyo na maaaring makuha ay libreng proseso sa mga residenteng delayed ang pagpaparehistro ng kanilang kapanganakan at pagbibigay ng kopya ng kanilang mga birth certificate.
Samantala, nasa kabuuang 468 na birth certificate na ang naibahagi ng PSA Region 1. |ifmnews
Facebook Comments