LBMS anchors, muling maghahatid ngayong araw ng premyong prepaid home Wi-Fi sa maswerteng listeners

Tuloy-tuloy pa rin ang paghahatid ng mga host ng Laughter is the Best Magazine Show ng premyong prepaid home Wi-Fi sa ating mga avid listeners.

Ito ay para sa kabuuang 30 winners ng Wi-Fi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho promo week 15 draw na nagtapos noong Biyernes, December 18.

Ngayong araw, dadalhin nila Kuya Glenny, Dyosa Yan at Vloggers Ems ang premyo nila Cristy Candido ng Deparo, Caloocan City; Noemi Mentino ng Bagong Silang, Caloocan City at Carmen Gonzales ng Brgy. Payatas, Quezon City.


Nabatid na simula pa lang sa week 1 ng ating promo ay personal na dinadala ng LBMS anchors ang premyong prepaid home Wi-Fi sa mismong bahay ng ating winners.

Kabilang sa mga lungsod na kanilang nahatiran ng premyo ay ang Muntinlupa, Malabon, Pasig, Manila, Makati, Navotas, Valenzuela, Quezon City, Caloocan at Mandaluyong City.

Nagpapasalamat naman tayo sa lahat ng mga sumali sa Wi-Fi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho promo.

Kaya naman, manatiling nakatutok sa DZXL 558 Radyo Trabaho para laging updated hindi lamang sa balita kundi maging sa mga susunod pa naming promo.

Facebook Comments