LBMS, muling maghahatid ng libreng Wi-Fi sa mga maswerteng nanalo sa “Wi-Fi Mo, Sagot ng DZXL Radyo Trabaho”

Maghahatid ngayong araw ang mga anchors ng Laughter is the Best Magazine Show (LBMS) ng DZXL Radyo Trabaho ng premyong prepaid home Wi-Fi sa mga masugid nating tagapakinig.

Ito ay para sa week 12 at week 13 winner ng ating Wi-Fi Mo, Sagot ng DZXL Radyo Trabaho promo.

Kabilang sa mga pupuntahan nina Kuya Glenny, Dyosa Yan at Vlogger Ems sina Christian Nocon ng Balut, Tondo, Maynila; Elyn Quijada Vidal ng Gagalangin, Tondo, Maynila at Lalyn Celebre ng River Side, Commonwealth, Quezon City.


Manatiling nakaantabay sa iba’t ibang programa ng DZXL Radyo Trabaho dahil sa Biyernes, December 18 ang last draw para week 14 ng Wi-Fi Mo, Sagot ng DZXL Radyo Trabaho promo.

Kaya sa mga gusto pang sumali, tumutok lang at kapag narinig na ninyo ang jingle ng Radyo Trabaho ay agad na tumawag sa 88822374 para sa inyong raffle promo.

Pwede ring mag-comment sa aming official Facebook page at sundin lang ang mechanics sa itinakdang poster.

Facebook Comments