LBO laban sa anim na opisyal ng OVP at isang dating opisyal ng DepEd, hiniling ng Kamara sa DOP

Hiniling ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa Department of Justice (DOJ) na maglabas ng lookout bulletin order laban sa anim na opisyal ng Office of the Vice President (OVP) at isang dating opisyal ng Department of Education (DepEd).

Nakasaad sa liham ng chairman ng komite na si Manila 3rd District Representative Joel Chua na kailangang mabantayang mabuti ang nabanggit na mga opisyal na posibleng magtangkang tumakas palabas ng bansa.

Sabi ni Chua, ang request nila sa DOJ ay upang hindi matularan ng nabanggit na mga opisyal ang ginawang pagtakas palabas ng bansa ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.


Ang nabanggit na mga opisyal ay ilang beses ng hindi sumipot sa pagdinig ng kamara ukol sa kwestyunableng paggamit ng pondo, partikular ng confidential funds ng OVP, at ng DepEd sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.

Facebook Comments