Napagpasyahan ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na sisimulan na ng Kagawaran ang Learning Continuity Plan (LCP) upang maipagpatuloy ng mga mag-aaral at guro na maiangat ang Kalidad ng Edukasyon sa bansa sa gitna na rin ng umiiral na ECQ dahil sa COVID-19 Pandemic kayat nagkaisa silang sisimulan na ang Basic Education sa pamamagitan ng LCP, na magsisimula sa School Year 2020-2021 na bubuksan sa August 24, 2020.
Naniniwala ang DepEd na ang LCP ay pangunahing tugon ng Kagawaran sa kanilang commitment upang matiyak ang Kalusugan, seguridad at ang buong katauhan ng kanilang mga mag-aaral, guro at mga personnel sa gitna ng nararanasang krisis sa COVID-19.
Paliwanag ng DedEd inaantala nila ang pasukan upang bigyan ng panahon ang mga estudyante at guro na makapag adjust sa bagong pamamaraan ng pagtuturo alinsunod narin sa kautusan ng DOH at ng World Health Organization (WHO).
Paulit ulit umanong ginagawa ng DepEd ang pakikipag konsulta sa kanilang mga partner institutions at organizations hinggil sa paglikha ng LCP, kabilang ang pangunahing sangkap sa K-12 curriculum adjustments; alignment of learning materials; at iba pa na mahalagang kahbang ng mga polisiya at kagawian sa pag talima ng tinatawag na “new normal”habang mahigpit na sinusunod nila adhikain ng Kagawaran na Sulong EduKalidad at kinabukasan ng edukasyon.
Nilinaw ng DepEd sa pagbubukas ng klase binigyang diin nito na hindi nangangahulugan na sasailalim sa tradisyunal na pamamaraan ang mga mag-aaral at guro ngayon buwan ng Hunyo ngayon taon dahil ang pagpili ng LCP, ay nakadepende sa sitwasyon ng Local COVID-19 kung ikinukonsidera rin ng Kagawaran ang kundisyon ng Local public health para narin sa kaligtasan ng kanilang mga tauhan at mag-aaral.