LINGAYEN, PANGASINAN – Hindi tumitigil sa pagsasanay ang ang mga kawani ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO Lingayen.
Ang pagsasanay ay pinangunahan ng Philippine Red Cross katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen.
Layunin ng pamahalaang lokal na masigurong ligtas ang mga kababayan sa lahat ng oras at pagkakatao.
Samantala, partikular na itinuro sa mga kawani ay ang First Aid at Basic Life Support, manual at actual – na maaaring gawin lalo na sa panahon ng sakuna.
Ibinahagi rin sa nasabing pagsasanay ang mga paraan tungkol sa basic bandaging, CPR o cardiopulmonary resuscitation, pati na rin ang Ambulance Operation Training.
Facebook Comments