Lea Salonga, ikinagalit ang ‘fake ads’ na kumakalat tungkol sa kanya

264
via Facebook/ Lea Salonga

Hindi na nakatiis pa ang aktres at singer na si Lea Salonga sa mga kumakalat online na fake advertisements gamit ang pangalan niya.

Sa Instagram, binalaan ni Salonga ang kanyang mga followers tungkol sa aniya’y “bulls*** ads” na nagsasabing iniwan niya na ang show business.


Hindi naman na nagbigay ng ibang detalye ang singer ukol sa nabanggit na ads, pero nilinaw nito na hindi siya kailanman aalis sa showbiz.

Ani Salonga, “This is what I love to do.”

 

View this post on Instagram

 

Please read. Thanks.

A post shared by Lea Salonga (@msleasalonga) on

Bukod dito, pinabulaanan niya rin na mayroon siyang ibang ini-endorsong skincare products o services bukod sa Facial Care Centre kung saan siya kasalukuyang mayroong kontrata.

“Whoever dreamed that up is a team of motherf***ers with way too much time on their hands,” aniya.

Nitong Marso lang din nang binatikos ng mga aktres at komedyanteng sina K Brosas, Pokwang, at Kakai ang isang Facebook page matapos gamitin para sa ibinebentang produkto ang larawan ng kanilang kaibigan at pumanaw na komedyaneng si Chokoleit.

Facebook Comments

From Advertisers