Lea Salonga, tampok sa isang broadway book

Itatampok si multi-awarded singer na si Lea Salonga sa isang penguin random house book tungkol sa mga tanyag na aktres sa broadway.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Salonga na isang malaking karangalan ang mapabilang sa mga itinuturing na ‘legends.’

Ang librong tinutukoy ni Salonga ay “A is for Audra: Broadway’s Leading Ladies from A to Z” na sinulat ni John Robrert Allman at inilarawan ni Peter Emmerich.


Ito ay isang picture book para sa edad tatlo hanggang pito at ma-e-enjoy ng theater fans.

Maliban kay Salonga, tampok din ang mga Legendary Lead Actressess sa larangan ng Broadway sina Audra Mcdonald, Carol Channing, Angela, Lansbury, Patti Lupone, Bernadette Peters, Chita Rivera, at Liza Minneli.

Ang bahagi ng proceeds mula sa libro ay mapupunta sa broadway cares/equity fights aids.

Inaasahang ilalabas ang libro sa Nobyembre.

Facebook Comments