Pagbabakuna, nakatulong sa pagbabalik-trabaho ng mga Pilipino – ALU-TUCP

Malaki ang naitulong ng pagluluwag ng restriction at pagtataas ng kapasidad ng mga business establishment sa pagbabalik-trabaho ng mga Pilipino.

Ito ang sinabi ni ALU-TUCP Spokesperson Atty. Alan Tanjusay, kasunod ng ulat ng Social Weather Stations na bumaba sa 11.9 milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa ikatlong kwarter ng 2021.

Ayon kay Tanjusay, ang pagluluwag sa alert level ay resulta rin ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan nakatulong ang malawakang pagbabakuna.


Bukod dito, malaking bagay rin aniya sa karagdagang employment ang nalalapit na eleksyon.

Maraming local at national candidate kasi aniya ang nag-hire ng mga karagdagang tauhan para tumulong sa kanilang pangangampanya.

Samantala, pagpasok ng 2022, nakikita ni Tanjusay ang pagsigla ng online business.

Facebook Comments