Leadership ni Presidential Candidate VP Leni Robredo, dapat tularan ng mga kandidato at aspiring leaders ayon kay Sen. De Lima

Pinuri ni Senator Leila de Lima si presidential candidate Vice President Leni Robredo sa pagiging lider nito para sa mga pilipino simula noong sumabak siya sa politika hanggang sa pagtakbo ngayon sa pinakamataas na pwesto sa bansa.

Ayon kay De Lima na tumatakbo bilang re-electionist sa ilalim ng Robredo-Pangilinan ticket, marapat lang na tularan ng mga kandidato at aspiring leaders ang hakbang ni Robredo na palaging nandyaan at maaasahan sa mga krtikal na sitwasyon.

Sinabi ni De Lima na sa pagdalo ni Robredo sa isang presidential debate, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapakita ng isang lider ng bansa lalo na sa panahon na kinakailangan siya ng taong bayan at ang matapang na pagharap nito sa mga isyung ibinabato lamang sa kanya.


Unang iginiit ni Robredo na importante ang pagdalo sa mga debate dahil dito makikita ang totoong leadership ng isang taong tumatakbo sa pagkapangulo at respeto sa taongbayan na maghahal sayo.

Laging hinahangaan ni De Lima ang dedikasyon ni Robredo sa kanyang trabaho at pagseserbisyo sa taumbayan, sa pandemya man o sakuna ay laging nandyan at totoo may accomplishments at hindi idinadaan sa fake news.

Facebook Comments