LEADERSHIP TRAINING NG SK OFFICIALS SA MANGALDAN, GINANAP SA ORIENTAL MINDORO; ILANG NETIZEN, KINUWESTIYON ANG PROGRAMA

Sumailalim sa leadership training ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan mula sa 30 barangay ng Mangaldan sa The Mangyan Hotel, Puerto Galera, Oriental Mindoro mula Oktubre 25 hanggang 27.

Layunin ng pagsasanay na paigtingin ang kakayahan ng mga kabataang lider sa mabuting pamamahala at tamang pangangasiwa ng pondo ng kabataan, batay sa ulat ng Public Information Office ng bayan.

Gayunman, umani ito ng batikos mula sa ilang netizen na kumuwestiyon sa pagpili ng malayong lokasyon para sa aktibidad.

Anila, maaari namang isagawa sa loob ng lalawigan upang makatipid sa gastusin na nagmumula sa pondo ng kabataan ng bayan.

Kasalukuyan pang kinukuha ng iFM News Dagupan ang pahayag ng Sangguniang Kabataan at Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan.

Facebook Comments