Leaf artist mula Camarines Sur, hinangaan matapos i-ukit sa dahon sina Angel Locsin at Ana Patricia Non

Binigyang-pugay ang isang 23-anyos na leaf artist mula Tigaon, Camarines Sur matapos iguhit sa dahon ng langka ang mukha ni Ana Patricia Non, ang tagapanguna ng community pantry sa Maginhawa, Quezon City.

Ito ay si Dominic Jay Gregorio at ginawan din niya ng leaf portrait ang aktres na si Angel Locsin, na nag-organisa rin noong Biyernes ng pantry at aktibo sa pagtulong sa iba-ibang sektor nitong COVID-19 pandemic.

Ipinagtanggol naman ni Gregorio si Non at iba pang community pantry organizer sa pangre-redtag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).


Habang dinepensahan din nito si Locsin sa mga bumabatikos ng aktres dahil sa pagpanaw ng isang lolo na pumila sa pantry nito.

Sa ngayon, nagtayo rin ng community pantry sa Tigaon, Camarines Sur ang leaft artist na si Dominic katuwang ang kaniyang mga kamag-anak at kaibigan sa Barangay Talojongon sa Tigaon.

Nasa ikatlong araw na ng operasyon ang pantry at hinikayat ni Gregorio ang publiko na ipagpatuloy ang pag-ambag sa mga pantry.

Facebook Comments