Nababahala ang League of Provinces of the Philippines (LPP) sa pagpapaikli ng kinakailangan quarantine days ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) bago ito bumalik sa kanilang mga probinsya.
Ito ay matapos imungkahi ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na tapusin na lamang sa kanilang uuwiang probinsya ang natitirang araw sa kanilang 14-day quarantine period.
Ayon kay LPP President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., mayroon silang agam-agam dito dahil kulang na ang pondo ng mga probinsya para sa pagbabayad ng tirahan at pagkain ng mga returning OFWs.
Kailangan rin aniya nilang magdadag ng mga tauhan para mag-asikaso at mag-monitor sa mga ito.
Pero sa kabila nito, nag-abiso si Velasco na makipag-ugnayan muna ang mga ahensya sa lokal na pamahalaan bago pauwiin ang mga OFWs .