League of Provinces of the Philippines, pag-uusapan ang panukalang gawing optional ang pagsusuot ng face mask sa outdoor setting

Nakatakdang pag-usapan ng League of Provinces of the Philippines (LPP) ngayong linggo ang panukalang gawing optional ang pagsusuot ng face mask sa outdoor setting.

Sinabi ito ni LPP National Chairman at Quirino Governor Dakila Cua kasunod ng pag-isyu ng lalawigan ng Cebu sa naturang panukala.

Ayon kay Cua, sinimulan na ng provincial government ng Quirino na talakayin ito kung susunod ba ito sa ginawa ng Cebu.


Dagdag pa nito, may iba na ring mga Local Government Unit (LGU) na nagpahayag na pag-aaralan ang panukala at tignan ang datos kaugnay rito.

Mababatid na binatikos ng DILG at DOJ ang ibinabang Executive Order No. 16 ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia kung saan ang pagsusuot ng facemask ay required na lamang sa closed at air-conditioned spaces.

Facebook Comments