Quezon City – Makararanas ng water service interruption ang nasa 93,000 na kabahayan at establisimiyento sa apat na put tatlong barangay sa Quezon City hanggang sa Mandaluyong, San Juan, Pasig, na magsisimula sa Lunes, ika-13 ng Agosto, ganap na ala-7:00 ng gabi.
Ayon sa Manila Water, ito ay para bigyang daan ang emergency leak repairs na isinasagawa sa EDSA southbound Service Road, sa may kanto ng Shaw Boulevard.
Kinailangang magpatupad ng pipe laying at interconnection operation ang Manila Water bilang paghahanda sa pagsasara at pagsasaayos ng kanilang major pipeline doon.
Sa lunes, ika-13 ng Agosto, ganap na ala-7:00 ng gabi.
Ilan sa mga apektadong mga barangay sa Quezon City ay ang mga barangay sa QC: Kaunlaran, Bagong Lipunan, Horseshoe, Valencia, Immaculate Conception, San Martin de Porres, Ugong Norte at Pinagkaisahan.
Sa Mandaluyong City: Barangay Wack-Wack, Mauway, Addition Hills, Highway Hills, Malamig, Buwayang Bato, Barangka Ilaya, Barangka Itaas, Barangka Ibaba, Barangka Drive, Plainview, Pleasant Hills at Barangay Hulo,
Sa san Juan City Naman: ang mga barangay ng Greenhills, Addition Hills, Little Baguio, Pasadena, Corazon de Jesus at West Crame.
Sa lungsod naman ng Pasig: ay ang mga barangay ng Ugong, Oranbo, Pineda, Bagong Ilog, Kapitolyo at San Antonio, samantalang ang mga mawawalan naman ng tubig.
Ayon sa Manila Water, magtatagal ang pagkawala ng suplay ng tubig sa mga nasabing barangay hanggang sa araw ng Martes, ika-14 ng Agosto, dakong alas-9 ng umaga.
Pinapayuhan ng Manila Water ang mga residente sa mga nasabing lugar na mag-imbak ng sapat na tubig para sa kanilang mga pangangailangan sa panahong ito.
Magpapatupad rin ng bahagyang pagbabago sa traffic scheme sa palibot ng working site kung saan isasara sa mga sasakyan ang rightmost southbound lane ng EDSA Service Road at pansamantala munang dadaan sa Star Mall, kanan mula sa EDSA patungong Shaw Boulevard.
Habang ang mga motorista namang patungo ng Sta. Mesa na magmumula sa Shaw Boulevard at tatawid ng EDSA ay kailangang dumaan muna sa middle lane, dahil isasara sa mga sasakyan ang rightmost lane nito mula ika-13 ng Agosto, ganap na alas-11:00 ng gabi at matatagal hanggang alas-4 ng umaga ng ika-14 ng Agosto.