Learn and Earn Program ng DPWH, pinalawig pa hanggang March 22, 2019

Manila, Philippines – Pinalawig pa ang binuksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang aplikasyon para sa Learn and Earn Program nito para sa mga mag-aaral ngayong summer season kung saan dapat ngayon magtatapos March 8 ay ginawang hanggang Marso 22, taong kasalukuyan.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, sampung mga estudyante lamang ang tumugon sa apatnapung estudyante at maging out-of-school-youth ang kanilang target na mabenipisyuhan sa Government Internship Program (GIP).

Paliwanag ni Villar na layon ng naturang programa na matulungan ang mga economically dis-advantaged youth na may edad 18 hanggang 23-years old at may minimum na Second Year College Education.


Ang mga kwalipikadong indibidwal ay maaring magpadala ng mga sumusunod na requirements:

  1. Photocopy ng birth certificate
  2. Fully accomplish biodata
  3. Recent 1×1 ID photos

Maaring isumite ang nasabing mga requirements sa DPWH Head Office Building, Bonifacio Drive Port area Manila hanggang March 22, 2019.

Kinakailangan namang makapasa ng mga aplikante sa isang written examination sa darating na March 15, 2019 at ang top 40 na makakapasa ay siyang magsisimula ng kanilang internship sa April 3, 2019.

Makakatanggap ang mga mapipiling intern’s ng 75% ng kasalukuyang minimum wage sa capital region sa loob ng dalawang buwan.

Facebook Comments