Learning crisis dapat maiwasan ngayong may pandemya pa – Senator Sherwin Gatchalian

Iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian na dapat magamit ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng resources nito para maiwasan ang posibleng “learning crisis” sa harap ng pandemya.

Ito ang binigyang diin ni Gatchalian na siyang Chairperson ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture kasabay ng pagpapatupad ng distance learning.

Pangamba kasi ni Senator Gatchalian na posibleng mahirapan ang higit 25 milyong mag-aaral sa susunod na pasukan dahil sa mga hamon ng nasabing learning modality.


Kabilang na rito ang kakapusan sa connectivity, kawalan ng patnubay mula sa mga guro, kalidad ng self-learning modules, at iba pa.

Para kay Senator Gatchalian, mahalagang naipagpapatuloy ang dekalidad na edukasyon para matiyak na natututo ang mga estudyante at maging handa sila sa susunod na antas ng kanilang pag-aaral.

Sa ilalim ng 2021 National Budget, aabot sa ₱16.6 billion pesos ang inilaan para sa flexible learning options.

Facebook Comments