Learning delivery sa papalapit na school year, paghuhusayin ng DepEd

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na paghuhusayin pa ang paghahatid ng edukasyon sa nalalapit na school year.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malalauan, marami silang natutunang araw mula sa School Year (SY)2020-2021 at magsisilbi itong gabay para mapabuti pa ang paghahatid ng edukasyon.

Para sa SY 2021-2022 na nakatakdang magbukas sa September 13, ang DepEd ay gagamit ng streamlined curriculum o “Most Essential Learning Competencies” (MELCs).


Siniguro rin ni Malaluan na reresolbahin din ang mga isyu na may kinalaman sa kalidad ng learning materials.

Target din ng kagawaran na bawasan ang pagkakadepende sa printed learning ngayong school year.

Facebook Comments