Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na malugod nilang tinanggap ang inisyatibo ng Office of the Vice President (OVP) para community learning hubs.
Sa statement, sinabi ng DepEd na welcome sa kanila ang hakbang ng OVP tulad ng pag-welcome nila sa lahat ng sumusuporta ng learning continuity.
Pero iginiit ng ahensya na walang nangyaring partnership.
Nanindigan ang kagawaran na ang kasalukuyang polisiya ay distance learning modality lamang.
Ang muling pagsasagawa ng face-to-face classes ay kailangan pa rin ng approval mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, inihahanda na ng ahensya ang posibilidad ng face-to-face classes sa susunod na taon kasunod ng mga positive developments sa paghahanap ng bakuna laban sa COVID-19.
Facebook Comments