Learning materials na nasira ng mga bagyo, papalitan ng DepEd

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na ang mga learning materials na nasira sa mga nagdaang mga bagyo ay papalitan ng bago para matiyak na ang edukasyon ng mga apektadong estudyante ay magpatuloy.

Ayon kay Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, ang mga datos hinggil sa mga nasirang self-learning modules (SLMs) ay kinakalap ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) para mailabas ang pondong gagamitin para pampalit sa mga nasirang learning materials.

Natukoy na rin ng DepEd ang sources kung saan pagmumulan ng pondo.


Nagawa na ring makapag-download ng ilang pondo para sa SLMs sa mga apektadong rehiyon kung saan mayroong isinasagawang clean-ups at psychosocial aid at pamamahagi ng hygiene kits.

Patuloy na bina-validate ang listahan ng mga eskwelahan at mga lugar na nangangailangan ng bagong SLM.

Ikinokonsidera nila ang pamamahagi ng digital copies sa mga lugar, rehiyon, dibisyon at eskwelahang sinertipikahan ng Regional Directors.

Facebook Comments