Learning recovery sa pagbabalik ng face-to-face classes, hiniling ng Senado

Iginiit ni Basic Education Committee Chairman Senator Sherwin Gatchalian ang pangangailangan na magpatupad ng learning recovery ngayong nagbabalik na ang face-to-face classes.

Tinukoy ni Gatchalian na batay sa National Economic and Development Authority (NEDA), ang kawalan ng “face-to-face classes” sa loob lamang ng isang taon ay magreresulta ng pagkalugi sa ekonomiya na aabot sa halos P11 trillion sa susunod naman na 40 taon.

Kaya naman, binigyang diin ng senador ang pangangailangan na maipatupad ang genuine learning recovery para tugunan ang “learning loss” at maibsan ang epekto mula sa kawalan ng face-to-face classes.


Para masuportahan ang pagpapalakas sa pagkatuto ng mga estudyante ay inihain ni Gatchalian ang Senate Bill 155 o Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Act.

Layunin ng panukala na mapagtibay ang pambansang programa para sa learning recovery ng mga mag-aaral.

Nakasaad sa panukala na kabilang sa paraan ng pagpapahusay ng pagkatuto ng mga estudyante ay ang tutorial sessions.

Facebook Comments