Learning resource centers para sa batang may espesyal na pangangailangan, isinulong ni Sen. Bam

Manila, Philippines – Isinulong ni Senator Bam Aquino angpaglikha ng learning resource centers para sa mga batang may espesyal napangangailangan.
  Layunin ng Senate Bill 1414 na inihain ni aquino namabigyan ang lahat ng pagkakataong matuto sa kabila ng espesyal na kondisyon.
  Ang hakbang ni Sen. Bam ay kasunod ng report ngDepartment of Education o DepEd na tinatayang nasa 350,000 estudyante ang mayespesyal na pangangailangan habang binanggit naman ng Save the Children na isalang sa tatlong batang Pinoy na may espesyal na pangangailangan ang maytsansang makapag-aral.
  Tinukoy din ni Sen. Bam na isa lang sa pitong bata na mayespesyal na pangangailangan ay nag-aaral sa mga paaralang makatutugon sakanilang sitwasyon.
  Nakapaloob sa panukala ni Aquino na maaring kunin sanabanggit na mga centers ang kailangang materyales at iba pang kagamitan namagagamit ng mga guro para suportahan ang pag-aaral ng mga batang may espesyalna pangangailangan, kasama ng kapwa nila estudyante.
  Nakakalungkot kasi aniya ngayon na kulang ang mgakagamitan at materyales na kailangan para sa mga estudyante na may specialneeds, maliban pa sa kulang din talaga ang mga special education o SPED centerssa mga pampublikong paaralan.
   

Facebook Comments