LEAVE | Acting chief justice, naka-official leave ng ilang araw

88

Manila, Philippines – Itinalaga bilang acting senior associate justice ng Korte Suprema si Justice Diosdado Peralta simula ngayong araw habang naka-official leave si Acting Chief Justice Antonio Carpio.

Sa special order number 2611 na nilagdaan ni Carpio, nakasaad na alinsunod sa section 12 ng Republic Act 296 ang gagampanang tungkulin ni Peralta hanggang sa pagbabalik trabaho ni Carpio.

Itinalaga naman si Justice Estela Bernabe bilang pansamantalang chairperson ng Supreme Court 2nd division, habang acting signatory si Justice Mariano del Castillo.

Itinalagang acting chairman ng Raffle Committee sa mga kasong idudulog sa Supreme Court en banc si Justice Lucas Bersamin habang acting member si Francis Jardeleza.

Si Carpio ay naka-official leave mula ngayong araw hanggang sa linggo.

Facebook Comments