‘Leave of Absence’ ng ilang tauhan ng Bureau of Immigration, kinansela

Manila, Philippines – Kinansela ni Bureau of ImmigrationCommissioner Jaime Morente ang lahat ng ‘Leave of Absence’ ng mga empleyado ngkawanihan para sa buwang ito.
 
Ito’y dahil sa kakapusan ng mga tauhan na magbabantay sa mga paliparanna nagdudulot ng mahabang pila sa mga immigration lanes lalo’t titindi angsitwasyon dahil sa pagdagsa ng mga taong uuwi dahil sa nalalapit na holy week.
 
Babala ni Morente – kanyang idedeklarang AWOL o Absent WithoutOfficial Leave ang mga empleyado ng BI kung hindi babalik ang mga ito sakanilang trabaho sa lalong madaling panahon.
 
Sakaling hindi tumalima na agarang bumalik sa trabaho, ayposibleng maharap sa kasong administratibo ang mga ito.
 
Maraming mga immigration officers’ ang nagbitiw sa puwestomatapos i-veto ng pangulo na bayaran ang kanilang overtime pay.
 

Facebook Comments