Lebel ng sulfur dioxide na inilalabas ng Bulkang Taal, patuloy na tumataas

Tumataas ang antas ng sulfur dioxide na inilalabas ng Bulkang Taal

Sa huling datos ng Philippine Institute Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umabot na sa 4,353 tons ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan kahapon.

Mataas kumpara sa 360 tonelada na inilabas ng bulkan noong Biyernes.


Ayon kay PHIVOLCS Science Research Specialist Ryan Rebadulla, ang pagtaas ng sulfur dioxide ay senyales na may umaakyat na magma sa bunganga ng bulkan.

Sinabi naman ni PHIVOLCS Volcano Monitoring and Eruption Division Chief Ma. Antonia Bornas, dahil bukas (open) na ang bunganga ng bulkan, mas mabilis na ang paglabas ng magma nito sakaling sumabog ito.

Nananatili ang alert level 4 ang bulkan at patuloy pa ring inirerekomenda ang total evacuation at lockdown sa 14-kilometer danger zone mula sa crater.

Facebook Comments