Ikinatuwa ng ilang mga Dagupeno ang nakikitang unti-unti nang paghupa ng tubig baha sa Dagupan City pagkatapos ng halos isang linggong naranasan ang mataas ng lebel ng tubig sa lungsod.
Kapansin pansin din na maaari nang daanan ang mga gilid-gilid ng mga main roads dahil hindi na ito kasing taas kumpara noong mga nakaraang araw.
Ayon sa ilang commuters, inaasahan nila na sana raw ay hindi na tuloy tuloy ang maging buhos ulan at tuluyan na rin sana umano humupa ang tubig baha dahil dagdag ng mga ito, ilang araw din silang nakisabay sa malalim na tubig baha.
Samantala, ilang mga tricycle drivers naman, pinoproblema na ang kinakalawang na mga pyesa ng kanilang mga pampasaherong sasakyan, bagamat natuwa rin ang mga ito dahil sa tulong na kanilang natanggap mula sa programang AICS na maaari nilang magamit hindi lamang para sa pamilya, pati na rin daw sa mga naapektuhang pyesa. |ifmnews
Facebook Comments