Umabot na sa 7.50 meters above sea level o katumbas nito ay nasa critical level na ang Sinucalan River sa bayan ng Sta. Barbara.
Bunsod nito ay nakararanas ng pagbaha ang ilan sa mga bahagi ng Dagupan City, partikular sa mga low lying areas bilang ang lungsod ay catch basin bago pa mag-exit ang tubig sa Lingayen Gulf.
Bukod dito ay ang sinabayan pa ng high tide season dahilan upang tuluyang mabaha ang Dagupan at ilang bahagi nito ay mabagal ang paghupa ng tubig baha.
Pinaalalahanan naman ang lahat ng mga Dagupeño na maging handa at alerting muli dahil posible pa ang pagtaas ng lebel ng tubig ng Sinucalan sa patuloy na nararanasang pag-ulan bunsod ng Hanging Habagat na dala ni Bagyong Hanna.
Nakaantabay naman umano ang mga rescue team ng siyudad sa mga maaaring pagsaklolo sa panahon ng kalamidad. |ifmnews
Facebook Comments