Tumaas na ng higit sa isang metro ang lebel ng tubig sa Angat Dam dahil sa mga pag-uulan.
Mula kaninang alas-6 ng umaga nasa 164.39 meters na ang water elevation ng Angat Dam na mas mataas ng 1.05 meters kumpara sa water level na 163.34 meters kahapon.
Pero malayo pa rin ito sa 180 meters minimum operating level ng dam.
Pitong dam pa sa Luzon, kabilang ang La Mesa Dam sa Quezon City ang nagpakita din ng patuloy na pagtaas sa water elevation.
Nasa 74.20 meters naman ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam mula sa 74.10 meters kahapon, Ipo Dam 100.98 mula sa 100.93 meters kahapon, Ambuklao 746.o6 meters mula sa 745.73 meters maging ang Binga Dam, San Roque, Pantabangan at Magat Dam ay nakitaan din ng pagtaas sa antas ng tubig.
Bukod tanging ang Caliraya Dam sa Lumban, Laguna ang nanatili sa mababang lebel ng tubig na aabot sa 287.27 meters mula sa 287.53 meters kahapon.