Lebel ng tubig sa Angat Dam at iba pang mga dam, bahagyang nabawasan sa kabila ng pag-ulan

Hindi nakatulong sa lebel ng tubig sa Angat Dam at La Mesa Dam ang malakas na pag-ulan.

Batay sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydro Division, mula kaninang 6:00am ay umabot na sa 179.53 meters ang lebel tubig sa Angat Dam.

Nabawasan ito ng 16 centimeters kumpara sa naitala kahapon na 179.69 meters.


Halos lampas na ito sa minimum operating level ng Magat na 180 meters.

Sa Magat Dam nanggagaling ang suplay ng tubig na ginagamit ng mga households sa Metro Manila.

Bahagya ring nabawasan ang antas ng tubig sa Ambuklao, Magat at Caliraya Dam.

Tumaas nang bahagya ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam na umabot na sa 79 meters kumpara sa 78.97 kahapon.

Facebook Comments