Lebel ng tubig sa Angat Dam, bahagyang bumaba kaninang umaga; Antas ng tubig sa iba pang dam, bumaba rin

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA na bahagyang bumaba na sa 195.67 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam kaninang umaga.

Ang nasabing bilang ay mababa kumpara sa naitalang 195.71 meters kahapon.

Ayon sa PAGASA, ang normal level ng Angat Dam ay 212 meters.


Samantala, maliban sa Angat Dam, ay bumaba na rin ang mga water level ng iba pang dam sa Luzon.

Kabilang na rito, ang Ambuklao Dam na bumaba ng 0.27 meters, gayundin ang San Roque Dam na bumaba naman sa 0.45 meters, ang Pantabangan Dam na nasa 0.24 meters ang binaba, Magat Dam na bumaba sa 0.34 meters habang Caliraya Dam ay bumaba naman sa 0.27 meters.

Facebook Comments