Lebel ng tubig sa Angat Dam, bahagyang nabawasan

Kinumpirma ng PAGASA Hydrometeorology Division na natapyasan na naman sa magdamag ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Batay sa update, kaninang alas-6:00 ng umaga ay bumaba pa sa 196.01 meters ang lebel tubig sa Angat Dam.

Paliwang pa ng PAGASA, nabawasan pa ito ng 17 centimeters kumpara sa naitala kahapon na 196.18 meters bagama’t mas mataas pa rin sa minimum operating Level ng dam na 180 meters.


Bahagya ring nabawasan ang antas ng tubig sa La Mesa Dam, San Roque at Caliraya Dam.

Facebook Comments