Mula sa 188.54 meters na water elevation kahapon ng Angat Dam, bahagyang umangat ang lebel ng tubig sa dam ngayong umaga.
Base sa latest monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division, as of 6 AM kanina nasa 188.57 meters na ang water elevation sa Angat.
Nadagdagan ito ng 0.03 meters pero mas mababa pa rin sa 210 meters na normal high water level ng dam.
Ayon sa PAGASA, hindi pa sapat ang mga pag-uulan na binubuhos sa bahagi ng Angat Dam sa Bulacan nitong nakalipas na araw.
Samantala, nabawasan naman ang tubig sa Ipo Dam kung saan nasa 100.85 meters ang lebel nito ngayong umaga na mas mababa sa 100.89 meters kahapon.
Nasa 77.50 meters naman ang antas ng tubig sa La mesa Dam na bahagyang tumaas sa 77.49 meters kahapon.
Ang iba pang dam na nakitaan ng pagtaas ay ang Ambuklao Dam na 747.81 meters mula sa 747.09 meters kahapon, Binga Dam, San Roque Dam, Pantabangan Dam, at Kaliraya Dam.