Bumaba ang lebel ng tubig sa Angat dam kung ikukumpara sa naitala kahapon.
Kaninang umaga, naitala ang lebel ng tubig sa 193.27 meters mula sa 193.39 meters kahapon.
Kapag bumaba pa sa 190 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam ay patuloy na nanganganib ang suplay ng tubig sa Metro Manila.
Ayon sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydro-Meteorology Division, nasa 12 centimeters ang nabawas sa lebel ng tubig.
Dahil dito, mahigit 18 meters na ang kulang mula sa normal highwater level na 212 meters.
Maliban sa Angat Dam, bahagya ring bumaba ang lebel ng tubig sa Binga Dam, San Roque Dam, at pati na ang Pantabangan Dam.
Facebook Comments