Lebel ng tubig sa Angat Dam, mas bumaba pa ngayong araw!

Bumaba pa ngayong araw ang water level ng Angat Dam.

Ayon sa PAGASA-Hydrology division, bumaba sa 194.61 meters ang water level sa Angat Dam ngayong Sabado.

Mas mababa ito ng 0.13 meters kumpara sa 194.74 meters na naitala kahapon.


Nabatid na mahigit kalahating metro na ang ibinaba ng antas ng tubig sa Angat simula pa noong nakaraang linggo.

Bukod sa Angat, patuloy rin ang pagbaba ng water level ng iba pang mga dam sa Luzon tulad ng La Mesa, Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya Dam.

Facebook Comments