Tumaas ng 4.5 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam kasunod ng mga pag-ulan bunsod ng bagyong Tisoy.
Sa datos ng PAGASA – umakyat sa 193.37 meters ang water level ng Angat kaninang alas sais ng umaga.
Pero ayon kay hydrologist Danilo Flores – malayo pa rin ito sa normal high water level na 210 meters.
Umaasa naman ang PAGASA na madaragdaran pa ito sa susunod na dalawang araw.
Patuloy din ang paalala nito sa mga residente na magtipid at mag-imbak ng tubig.
Bagama’t may isang bagyo pang inaasahang tatama sa bansa ngayong Disyembre, wala naman aniyang kasiguraduhan na dadaan ito sa Angat watershed area.
Facebook Comments