Araw-araw na nababawasan ang antas ng tubig ng Angat dam.
Ito ay batay sa monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division.
Kaninang umaga, bumaba sa 212.07 meters ang antas ng Angat Dam mula sa 212.13 meters kahapon.
Aabot sa anim na sentimetro ang nabawas sa antas ng tubig.
Sa kabila ng pagbaba ng lebel ng tubig, maituturing pa ring mataas ang antas ng tubig ng Angat Dam lalo pa’t nasa 212 normal high water level ito.
Maliban naman sa Angat Dam, nabawasan ang level ng tubig limang iba pang dam.
Facebook Comments