Lebel ng tubig sa La Mesa Dam, lalo pang sumadsad

Lalo pang sumadsad sa pinakamababang antas ang tubig sa La Mesa Dam.

Sa pinakahuling monitoring ng pagasa hydro-meteorological division kaninang alas 6:00 ng umaga, nasa 68.63 meters na lang ang lebel ng tubig sa dam.

Malayo ito sa 80.15 meters na normal high water level sa La Mesa Dam.


Habang ito rin ang pinakamababang antas ng tubig sa kasaysayan ng la mesa dam mula nang maitala ang 68.75 meters noong 1998.

Samantala bagama’t bumaba na rin mula sa normal high water level na 212 meters, malayo pa naman sa critical level ang antas ng tubig sa angat dam na ngayon ay nasa 197.86 meters.

Habang nananatili pa ring normal ang water level sa Ipo Dam.

Facebook Comments