Napanatili ng La Mesa Dam ang water elevation nito sa 78.54 meters.
Ito’y sa kabila ng paunti-unting pagbaba ng lebel ng tubig ng Angat Dam na pinagkukuhanan nito ng suplay.
Base sa monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division, hanggang alas-6:00 kaninang umaga ay nanatili sa 78.54 meters ang water elevation ng dam.
Gayunman, mas mababa na rin ito sa normal high-water level na 80.15 meters.
Nasa 190.75 meters naman ang imbak na tubig sa Angat Dam na mas mababa kumpara sa 190.82 meters kahapon.
Samantala, ngayong araw ay pinasimulan na rin ng Manila Water ang maintenance activities sa ilang lugar sa Makati, Taguig at Quezon City.
Dahil dito, makararanas ng water interruption ang mga apektadong lugar na tatagal hanggang Abril 11.
Facebook Comments