Lebel ng tubig sa Laguna Lake, tumaas

Tumaas na rin ang lebel ng tubig sa Laguna Lake dahil sa mga pag-ulan na nararanasan sa nakalipas na mga araw.

Base sa pinakahuling monitoring ng MMDA effective flood control operation system Angono Station kahapon, pumalo na sa 11.16 meters ang lebel ng tubig.

Naitala ang pinakababang lebel ng tubig sa lawa sa kasagsagan ng El Niño noong Mayo a-20 kung saan umabot sa 10.75 meters ang water elevation nito, mas malapit na sa critical level for drought na 10.50 meters.


Ang normal level ng Laguna Lake ay 11.55 meters habang ang critical level for flooding ay 12.50 meters.

Ayon pa sa LLDA, noong isang araw umabot pa sa pinakamataas na 11.23 meters ang lebel ng tubig sa lawa pero bahagyang bumaba sa 11.16 kahapon.

Facebook Comments