Bumaba pa sa critical level ang antas ng tubig sa Lake Lanao dahil sa nararanasang tagtuyot.
Sa datos ng Lanao del Sur Provincial Disaster Risk Reduction Office (PDRRMO), naitala ang 697 meters na antas ng tubig sa nasabing lawa na mas mababa sa critical level na 699 meters.
Dahil dito posibleng maapektuhan ang suplay ng kuryente sa Mindanao.
Nabatid na 70 porsyento ng suplay ng kuryente sa Mindanao ay mula sa coal-fired plants habang ang 30 porsyento ay mula sa renewable energy na karamihan ay galing sa Agus at Pulangi Hydropower Complexes.
Ang Lake Lanao ang ginagamit para sa power generation ng Agus Plant.
Facebook Comments